James L Gordon Scout Council

Wednesday, April 04, 2007

GAPO, BIDA SA NATIONAL SCOUTS YOUTH FORUM SA TARLAC

TARLAC CITY- Namayagpag ang pangalan ng James L. Gordon Council sa natapos na National Scouts Youth Forum para sa Luzon na ginanap kamakailan lang sa Asiaten Hotel, Tarlac City noong 23-25 ng Marso taong kasalukuyan. Ito ay matapos maihalal na kinatawan ng buong Luzon sa National Executive Board si Scout Kenny Ralph S. Fernando ng Columban College, High School Dept. Main. Ang halalan ay naganap sa huling araw ng plenaryo noong ika-25 ng Marso. Ang pagkakahalal kay Sct. Fernando ay ang kaunaunahang pagkakataon para sa James L. Gordon Council at maging nang Central Luzon Region na mahawakan ang isa sa tatlong puwesto sa National Executive Board na linalaan sa mga kabataang scout. Ang nasabing puwesto ay madalas na hawak ng Southern Tagalog at National Capital Region.

Una nito ay nahalal na bilang kinatawan ng Rehiyon (Central Luzon) si sct. Fernando sa nakaraan na magkasanib na Regional Youth Forum ng NCR at CLR na ginanap naman sa Valenzuela City. Siya rin ay unang nahirang bilang steering committee chairman ng naturang plenaryo. Dumalo rin sa nasabing pagtitipon na pang rehiyon sila Sct. Julius Ceasar Gomez (Columban), Sct. Alvin Amarille (Columban), Sct. James Nunez (Olongapo Wesley) kasama si Mario Esquillo (Scout Executive) at Alberto Baviera (Program Commissioner). Maliban kay Nunez, ang tatlong scout na nabanggit ay pawang mga produkto ng unang Council Leadership Acedemy na isinagawa noong Abril ng taong 2006.


Ang National at Regional Youth Forum ay taunang isinasagawa upang mabigyan ang mga kabataan na ipahayag ang kanilang mga saluubin kaugnay sa mga kaganapan, usapin at mga bagay-bagay sa paligid na nakakaapekto sa kanila direkta man o hindi. Ang plenaryo rin ang siyang nagsisilbing midyum para maging bahagi sa policy making process ang mga kabataang scouts. Sa pamamagitan ng mga resolusyong ipinapasa, naitatawid ng mga representating kabataan sa mas mataas pang libel ang kanilang boses.

Sa kaugnay na kaganapan, nakuha naman ng James L. Gordon Council ang tatlo sa mga posisyung pang rehiyon sa Central Luzon sa katauhan ni Hon. James Gordon, Jr. Regional 2nd Vice-Chairman, Mr. Ernesto Asuncion, Regional Auditor, at Mr. Alberto C. Baviera, Jr. Regional Program Commissioner. Ginanap ang halalan sa DepEd Conference Hall sa Balanga Bataan noong ika-15 ng Marso taong kasalukuyan.


 
free web 

counter